Ang karatula; with Aysen, the TINTA Mascot, to welcome you. |
Miyerkules yun. Wala na atang ibang araw na pwedeng gamitin para at least man lang maka-attend talaga ang members sa activity na ‘to. At ang oras, ginawang tanghali. Kaya ang “The Reading: UP TINTA’s Informal Sharing (A Literary Read-and-Tell),” parang naging lunchdate na rin. At picnic! Mas masarap nga yung feeling na sa grass at banig kami lahat komportableng nakaupo, habang nag-uusap-usap at kung anu-ano pa ang mga ginawa.
Last year nagsimula ang “tradition” na ‘to. Sabi sa poster, “Bring your favorite poem, story, anything literary and share it with us!” So ayun. Aside sa pagkakamustahan at pagtatanungan kung anong ulam(hahaha), may mga nag-share ng poetry. Merong mga nag-share ng poems na galing sa ibang writers, at meron din nag-share ng sarili nilang gawa. Furthermore, comments and suggestions were open para matulungan sa pag-grow, oha! Meron ding mga libro at komiks. At ilang remarkable words from favorite writers. At bago ko nga pala makalimutan, syempre nag-walang-kamatayang introduce-yourselves kami. Pero with a twist. Matapos i-state ang name at year & course, bubuklatin namin ang librong Angels and Demons by Dan Brown—na pinagpasa-pasa namin habang kumakanta ng Leron Leron Sinta(dfq?)—at kung ano yung sentence sa libro according sa book page and sentence number na randomly binigay sa’yo, yun daw ang magdedescribe ng life mo sa UP Cebu. May mga nag-make-sense naman. At meron ding mukhang kailangan mo pang maghukay ng ilang kilometro sa ilalim ng lupa para lang magets kung ano ang ibig ipahiwatig ng pangungusap na ‘yon sa buhay mo.
"Mas masarap nga yung feeling na sa grass at banig kami lahat komportableng nakaupo, habang nag-uusap-usap at kung anu-ano pa ang mga ginawa." |
At syempre, kasama sa plano ang “Pahabol Screening.” Marami-rami kasi ang nagpo-post sa Speak UP, Iskolar na nagsasabing gusto raw sana nila sumali ng Tinta pero hindi nila nalaman na nag-screening na pala. Kaya last week, nagpa-online registration ulit nang sa gayon ay ang first ten na makakaregister ay magkakaro’n ng chance na ma-screen sa araw ng The Reading! Bago sila isalang, pinatikim na din sila ng lasa ng TINTA, ay, TINTA—nakapag-share din sila ng mga gusto nilang i-share at kinwentuhan ng old members ng mga tungkol sa org. At during screening din ng iba, eh nagpatuloy pa rin kami sa pag-uusap-usap lang ng kung anu-ano, hanggang sa unti-unti nang nagkakaalaman ng common interests, hanggang nag-fangirling na, hanggang nagkantahan na, hanggang nagsabunutan na, hanggang…basta! Yun din ang isa sa mga nakakatuwang bagay sa grupong ito. Naalala ko pa nung may mga naririnig pa lang ako tungkol dito, sabi nila mga weird daw ang mga miyembro at mga weird din ang mga ginagawa nila. Ngayon, alam mo na kung bakit ako andito. Ganun lang. Informal sharing nga. Pero simple man pakinggan, para sa ‘kin, meaningful yun. Ang pakiramdam na ginagawa mo ang “sharing” na yun kasama ang mga taong may mga salita’t sining na nakabaon sa pagkatao nila, nakakatuwa.
Kahit may mga pagkakaiba kami sa genre, style at mga trip basahin at isulat, masaya pa rin ang pakikinig at pagbabahagi ng mga kwento at tawanan. Kahit magkakaiba rin ng mas preferred na lenggwahe, ayos pa rin. Kaysarap ngang paulit-ulit na marinig ang mga katagang: Sige lang! Sulat pa! Drawing pa! Basa pa!. Kasi lahat kumbaga, nagiging malaya. Iisa lang naman talaga ang bagay na nagdudulot sa lahat ng ‘to eh—ang TINTA. Ang tinta na nasa loob ng bawat isa sa amin. Iba-iba man ang kulay, lahat nais mailapat sa papel. Walang gustong ma-bara sa loob ng bolpen. Mas gugustuhin pang sumuka. Mailabas. Maisigaw. Kasi maingay sa loob. Ingay ng mga ideya at emosyon, na tanging literura ang solusyon. Kaya bai, patuloy tayong magthe-the-reading, okey? Punta ka nekstaym ah?
SELFIE; "Kaysarap ngang paulit-ulit na marinig ang mga katagang: Sige lang! Sulat pa! Drawing pa! Basa pa!. Kasi lahat kumbaga, nagiging malaya." |
***
This Filipino essay is written by Jennifer Ebdani.
**
Ayaw sa'g hunong ug basa! Naa mi pahabol nga news update.
Out of 9 registrants for the Pahabol Screening, upat ang gidawat sa TINTA. Congratulations!
Like
Twitter
Google+
Share