WHAT'S NEW?
Loading...

Love, Denise: Moving On From Breakup

love denise moving on from breakup  - oble square by tinta

Dear Denise, 


Feel nako buang na jud ko. One month na ang nilabay sa among break up nya bisan og gi-block nako niya sa FB, magsige gihapon kog stalk niya. Di ko kapugong sa akong self, bisan kabaw kung magsakit ra ko, padayon gihapon ko. Bisag kabaw kong okay ra kaayo to siya, gikalimtan nako nga happy nato siya. Ako nagsige gihapon og maoy, huwat, hope, nagsigeg sakit. Haaaaaaaay! 

Di na jud ko ganahan magmaoy ba. Kada adlaw, magsige kog hunahuna niya. Most of the time jud. Pirmi ko magmaoy, maghilak, mag sigeg hunahuna sa "what ifs" ug "Ngano iya kong gibiyaan?" Unya, di pa jud ko ka-share sa akong friends kay feel nako OA-han sila. Ah, basta! Wa ko kabaw sa akong buhaton. Lost kaayo ko hay. Ako i-try og divert akong attention sa lain pero murag, every minute kay makahuna-huna ko niya. 

Tabangi ko sa akong kabuang. Ahhhhhhhh! :( 



Sincerely, 
Eve


DENISE's LOVE ADVICE TO EVE:


Dear Eve, 

I understand you. I've been through your situation. Naks! Natawa nga ako kasi ngayon ko lang na-realized na, "Wow! Hindi lang pala ako ang nakaranas nito. Iyong parang nababaliw na kasi iniwan na'ko." Haha! But then, hindi naman kita tinatawanan sa kung anong nararanasan mo ngayon. You're not crazy, you're just broken hearted. Masasabi kong nasa stage ka pa kung saan "indenial" ka pa na wala na siya sa life mo. Nasa stage ka pa na kapag sinabihan 'kang, "Mag-move on ka na nga!" Nalulungkot ka pa at magre-reply nang, "Ano bang ginagawa ko?"

Pero, Eve, you're not trying to move on, I know. Kung nanghihingi ka ng help, medyo hindi mo tatanggapin dahil fresh pa ang break-up niyo. Nasa isip mo, kayo pa talaga ang "meant-to-be" at kung makikipagbalikan siya, makikipagbalikan ka pa, right? Now, I won't say "move on" dahil alam mo namang iyon dapat ang ginagawa mo.

Ganito na lang, talk to your friends. Kasi kailangan mong mahinga iyan at mailabas. Huwag mo nang isipin ang magiging tingin nila sa’yo dahil kung totoong kaibigan sila, maiintindihan ka nila—dadamayan ka nila. You need comfort. Hugs and endless ‘chikas’ with your friends would help. You’re hurt, so we need someone to help us from healing.

Another, uso ang salitang “acceptance”. Cliché but true. You just have to accept the fact na, “WALA NA KAYO. Wala na. Wa na lageh. Wa na jud. Wa na lageh jud.” Masakit. Masakit talaga. But it’s part of growing up, my dear. It’s okay to get hurt. Pero huwag mong career-in.

Moving on is easier said than done. Ngayon, try to accept the fact that it’s over. Because when we learn to accept things, mas papayapa ang kalooban natin at mas lilinaw ang pag-iisip natin. You will understand sooner or later why all of these things happened to you.

About diverting your attention, you’re doing it wrong if lagi mo pa rin siyang naalala. Totoo ang “mind over matter”. Ngayon, hindi mo binibigyan ng full effort ang pagda-divert ng atensyon sa ibang bagay dahil hahanap at hahanap ka ng time para ma-stalk mo siya sa FB kahit naka-block ka na. Hindi ko alam kung paano mo iyan nagagawa, pero alam kong kapag brokenhearted, magaling mag-ninja moves sa ex. Haha! Been there, done that. Hindi ka lang aware, pero, naglalaan ka talaga ng time para lang pasakitan ang sarili mo. Gawin mong ilayo ang sarili mo sa mga bagay na magpapaalala ng happy moments niyo. Huwag kang makikinig ng mga songs na pang-brokenhearted kasi maiiyak ka lang. Huwag mo nang pakinggan ang theme song niyo, jusko!

Do always remember that where you are now is your choice. Moving on is a choice. Being happy without your ex is a choice. Loving yourself is a choice. Choose wisely, please.

And if you believe in God, this is the time where you need Him the most. Because He can take all your pains away. Pray. That’s the best thing to do. Later, you will realize that you’re born to be with someone who deserves you more.

Nag-Google pala ako ng quote. Gusto ko i-share sa’yo ang sinabi ni pareng J.S.B. Morse: “A broken heart is just the growing pains necessary so that you can love more completely when the real thing comes along.”

Maraming advices at help kang matatanggap kapag hiningi mo. But always remember, dapat tulungan mo rin ang sarili mo.

Amping! 

Love,
Denise


***
Love, Denise is your place for love advices from Denise de Guzman
If you want your love problem answered, send it to j.mp/lovedenise now!

0 comments:

Post a Comment